Sampung rason para umamin.

17990693_1518428604857666_8028158849312384783_n
Enchanted.

Bakit mo ba kailangan umamin ?

-Una, ayaw mo ng itago yung nararamdaman mo para sa kanya, kasi lagi mo nalang kinakain yung pride mo tuwing nagkwekwento s’ya tungkol sa taong mahal nya.

-Pangalawa, malay mo naman kasi gusto ka n’ya. Tapos hinihintay ka lang n’ya talaga diba ? Wala naman kasing masama kung aamin ka.

-Pangatlo, kasi para malaman mo kung aasa ka ba o hindi na. Malay mo pag umamin ka,  gusto ka din n’ya pala. Ikaw na!

-Pang-apat, Pag umamin ka at di ka din naman n’ya pala gusto wala ka nang rason para umaasa. Ikaw nasa sayo kung magpapaka-martyr ka pa. (basic)

-Panglima, alam mo yung SELOS ? tsong wala kang karapatan sa ganun. Kung may commitment kayo pwede, kung wala? tunganga.

-Pang-anim, Kasi gusto mo ng sabihin ang totoo. Nakakapagod mag sinungaling lalo na sa taong mahal mo. Yung tipong may lihim ka pala na pag tingin pero ang alam n’ya kaibigan ka lang pala.

-Pang-pito, Gusto mo kasing maging more than friends kayo. Sana yung friendship na may commitment. Diba?

-Pang-walo, Nakakasawa ng lagi ka n’yang pinagpipilitan sa ibang tao. Yung akala n’ya na s’ya pa talaga yung gusto mo (Other peeps) kaya minsan gumagawa s’ya ng move para tulungan ka n’ya sa taong akala n’ya gusto mo. Pero di n’ya alam na s’ya yung gusto mong ligawan.

-Pang-siyam, baka kasi mapagod ka. Mawala nalang yung feelings mo sa kanya. Yung tipong sinabi mo na sya na talaga pero hindi pa kasi natorpe ka.

-Pang-sampo, TAMA NA, GUSTO KO NG SABIHIN LAHAT SAYO! PERO NATATAKOT AKO BAKA KASI HANGGANG BEST FRIEND MO LANG AKO, BAKA HANGGANG “BES” MO LANG AKO. HANGGANG DUN LANG TAYO, PERO PAANO NGA KUNG MERON? DIBA ? BAKIT HINDI KO SUBUKAN ? KAYA ETO NA SUSUGAL NA KO SA HULING PAGKAKATAON NG PARA SA NARAMRAMDAMAN KONG ‘TO. AAMIN AKO PAG HANDA NA KO MASAKTAN PA NG SOBRA HINDI YUNG PAGOD NA KO. AAMIN AKO PAG HANDA NA KO SA SASABIHIN NG IBA HINDI YUNG MAWAWALA NA YUNG PAKIRAMDAM KO SAYO. AAMIN AKO PARA MATAPOS NA TONG PAG SISINUNGALING KO. AAMIN AKO PARA MALAMAN KO NA ANO BA TALAGA AKO SAYO. AAMIN AKO PAG HANDA NA KONG KALIMUTAN ANG SINIMULAN NATIN AT AAMIN AKO PAGHANDANG HANDA NA TALAGA AKO. KAPAG TAPOS KO NG ISULAT ANG SAMPUNG RASON NA ‘TO.

Punyeta.

Manong bayad po! Pero saan po ba patungo?

“Saan po ba tayo patungo?

May hangganan po ba ang daan?

Ito po ba ay may dulo o kawalan?

Kailan po tayo hihinto?”

 

“Manong ito po ay isang laro?

Parang pag-ibig na hindi nailalako?

May ruta po ba tayong tatahakin?

O gaya ng pag-ibig ko na sa umpisa palang ay iba na agad ang umangkin?”
-Kapag, huling araw na ng byahe mo, malalaman mong malapit ka ng bumaba dito at kapag nakilala mo na ang totoong pag-ibig na binigay sayo, sasakay ka sa pampasaherong jeep nya at maglalakbay kayo.
#Jeep

#jeepneyphotography

Ang istorya ng nakaraang digmaan.

Bakit tayong mga pilipino ay patuloy na pinapahalagahan ang nakaraan?

Bakit kaya patuloy natin sinusulat sa tadhana ang nalipasan?

Gumuho ang bataan patuyuan natin ng krus,

Namatay si rizal paggawan natin ng parke,

Lagyan natin ng rebulto ang heneral na dumaong sa leyte,

At gawan natin ng istorya ang pagkapanalo, pagkatalo ng pilipino.

Kasi habang inisiip ko ang mga salitang to,

Naalala ko sya

Naalala ko ang pingas na dinulot nya

Naalala ang mga salitang sinabi nya

Na parang mga bala na bumaon sa pader ng intra

Naalala ko ang mga pagpapakitang taong ginawa nya

Na parang ginawa ng mga amerikano nung pagdaong nila

At syempre,

Naalala ko ang mga yakap nya na parang sya si tandang sora

Naalala ko ang mga halik nya na para bang nagbibigay lagi ng pag-asa

At naalala ko ang mga pangakong binitawan nya

Na ngayon ay rebulto na.

Na hindi na kilala, na kailangan pang ikwento o ipaliwanag para lang maalala.

Dahil nung araw na kinalimutan mo ako,

Nung araw na sinabi mo na

“Hindi na kita mahal”

Ayun ang araw na nag umpisa ang gera

Araw na dumaong ang mananakop

Araw na nawala kalayaan ko

Ang soberanya ko

Ang yaman ko

At ang mahal ko.

Kaya mahal

Sa oras na dadating ka

Hindi ako magaatubiling sumuko agad

Hindi na ako muli sasali sa gera

Dahil ayoko na masaktan

Na para bang namatayan

Nawalan

Nasiraan

At nilubayan

Ng kaisa-isa kong mahal

Ang nag-iisang babaeng

Pinagmulan ng istorya.

Ang kulay sa ilalim ng sinag ng araw.

Bakit patuloy nating tinatago ang sarili natin sa sinag ng araw?

Hindi bat nakakatuwa ang init na umaalingaw-ngaw?

Bakit patuloy natin tinatago ang init ng nakaraan?

Hindi bat mas maganda ito kung haharapin at wag talikuran?

Bakit patuloy  ang init na di natin tinatagalan,

Hindi bat mas maaliwalas at masarap sa pakiramdam kapag ito’y nasisilayan?

Bakit patuloy natin niloloko ang kasalukuyan?

Hindi bat mas masaya ito kapag hindi na dinadamdan?


Bakit patuloy na may kulay sa likod ng sinag ng araw?

Bakit patuloy na may mga taong gustong mainitan kaysa maginhiwaan?

Bakit patuloy na ang araw ay nag-bibigay ng kulay sa silong mo?

Bakit patuloy na ang daan na to ay may lilim mo?

Kailan mo tatanggalin ang mga payong at haharapin ang kasalukuyan?

Kailan mo lalabanan ang nakaraan?

Kailan mo kakalimutan ang sakit ng kinagabihan?

At kailan magiging totoo ang kulay na galing sa sinag ng araw?

-tmyJimenez 2017

Magandang tanawin dito.

 

Ang ganda ng tanawin dito13533135_1227972493903280_4490510599591208177_n
parang yung unang pagkakataon nakita ko ang mga mata mo
ang mga mata mong inosente
na patuloy padin nagtatanong
na para san nga ba ang mga saknong,
na nakasulat sa mga linya nitong,
munti kong papel na galing pa sa kahong,
na malapit ng itapon sa lugar ng mga tanong

Magkwekwento nalang ako para medyo masaya
may kaibigan ako, matalik na kaibigan
at ay may nakilala sya
isang taong may mga inosenteng mata
isang taong na patuloy nagtatanong kung may halaga ba sya
isang taong na naghahanap ng sagot sa mga hinuha nya
at si kaibigan ay nagandahan
sinuyo nya to kada gabe
simula alas otso hanggang alas onse
para lang makausap ang katulad nya na isang inosente

Pero dumating ang mga oras na namulat ang mga mata
at tinanong “nanliligaw ka ba? kasi kung ganun wag na wala kang hinihintay”
masasayang lang ang oras mong walang humpay
sa pagtigil dito sa puso kong sablay

At si kaibigan ay kinausap ako na para bang tuliro
pagod, bigo, nalunod, napako, sawi
at si kaibigan ay bumangon muli
kasama ang bagong matang kulay kayumanggi

At dun nag simulang nakilala ko ang taong may inonsenteng mata
at dun nadin nag umpisa ang pagkakaibigan namin dalawa

Magkwekwento ulit ako pero tingin ko di nato masaya
Simula sa umpisa kung saan ako kinilig dahil mahal kita
lagi ko syang nakakausap pero hindi personal
kahit abutin man ng madaling araw o matapos ang resesyonal
di ko ipipikit ang mga matang to
hanggang sa sinabi mong
“matutulog na ko”

Magandang umaga taong may mga inosenteng mata
mahal na nga yata talaga kita
matagal-tagal na din tayong nagkwekwentuhan
naglolokohan, nagbibiruan, simpleng harutan
at gusto kong sabihin sayo kung gaano ka ba kahalaga

Dumating ang mga araw na pumayag kang makasama ng personal
“ito na medyo kabado pero hindi to intensyonal”
nagkita tayo, sa mga oras na to, Oo lutang ako
blangko ang nasa isip ko, di ko alam kung hiya ba to
o di lang ako makapaniwala sa mga nakikita ko
habang nagkwekwentuhan ay nakangiti ako
hindi sa mga kwento mong may modo
kundi dahil sa boses mong nakakataas balahibo
sa mga mata mong nakakaparelisado
sa dating mong nakakasintunado

Mahalaga ka dahil mahal kita ay mali mahal kita kaya ka mahalaga
ano ba? kailan ko bang masasabi na mahalaga ka?
isa kang espesyal sa mundong puno ng normal
isa kang inosente sa mundong puno ng mga nangangaliwete
isa kang anghel na pininta mula sa mga pastel
isa kang paru-parong dumapo sa bulaklak na bigo

Sana ay makita ko pa lagi ang iyong mga mata
malaman kung sino ka ba talaga
malinawan kita kung gaano ka ba talaga kahalaga
at maamin ang matagal ng gustong sabihin na mahal kita.

-Wika

Tmyjimenez 2017

Tulog na, mahal.

13686557_1241255102575019_9214473049015755073_n

Tulog na

nakakatuwa itong dalawang salita
na parang laging may paanyaya
paanyayang magiging mapayapa
at aalis ng saglit malapit sa sigwa

parang laging may nag-aalaga
pag sinabing tulog na
parang isang pag-aaruga
pag-aarugang malaya

pagsinabi kong matulog ka na
sana sundin mo to ng maaga
tandaan, na bawat pagpikit ay mahalaga
Dahil sa pagpikit tayo ay may naalala at ginugunita

O, ayan napuyat ka nanaman
masayadong madami ang tinapos
ngayon sa tulog ay kinapos
masyadon madaming ginawa
 di na naisip ang matang nagluluha
masyadong madaming kwento ang nalikha
nakalimutan na ang panaginip at hinuha

Kapag sinabihan kita ng tulog na
katumbas nito ay ang pagiging mahalaga
halagang walang katumbas na pera
halagang kung san gagawin ang lahat
matumbasan lang ang sapat
gagawing walo ang apat
sapagkat.....
pag sinabi kong matulog na 
ibig sabihin magpahinga na
dahil napagod na tayo sa pag ikot ng mundo
kasabay ng mga ginagawa at masakit na ulo

matulog ka na hayaan muna natin sila
matulog ka na managinip ng walang kasing saya
matulog ka na kung saan makakalimutan ang sakit at iba pang nadarama
matulog ka na habang maaga pa
para bukas ay may lakas at handa ka na

-TmyJimenez 2017

Malamig. Madilim. Tahimik.

13590378_1231974220169774_3371402760997478144_n

Bakit kaya may mga times na ang dilim nalang nag paligid natin? Uulan ba? Babagyo? O sadyang ang lungkot ng buhay natin? Minsan nang dilim ang paligid ko, wala na akong makita. Malamig. Madilim at tahimik. Gusto ko ang ganitong panahon kaysa sa maaraw, maingay at mainit. Pero kapag ang ispiritwal na aspeto na ang pinag-uusapan natin parang ang hirap na. May mga taong “nyctophilia” o gustong gusto ang kadiliman. Parang ako, pero nung nandilim ang liwanag na galing sa taas di ko to nagustuhan. Bumaba ang kompyansa sa sarili. Tinamad sa trabaho. Inaantok lagi. (Di ako madaling antukin) in short di ako antukin. At nagkaroon kami ng spiritual retreat. Dun ko nalaman na hindi lang pala ako sa Youth namin ang nandidilim, nanlalamig at nanahimik sa ispiritwal na kalagayan. Yung mga taong lagi mong nakakasama ang dami din palang naitatago sayo. Halos karamihan umiyak. Pero sa sharing, parang may kumatok sa puso ko. Binuksan N’ya na ang kaharihan para bumalik sa pananampalataya. Hindi pa pala huli para mag-bago. Lagi palang may way si God para bumalik ka. Parang maging “Maaraw, Maingay at Mainit” sa pananampalataya.